Ilang araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon, dagsa na ang mga mamimili ng mga bilog na prutas sa Marikina City Public Market.
Nakagawian na kasi ng ilang pamilya na maghanda ng mga bilog na prutas sa pagsalubong ng Bagong Taon na pinaniniwalaang magdadala ng swerte.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakausap natin ‘yung ilang mga nagtitinda sabi ng mga ito nagsimulang dumagsa ang mga mamimili kahapon at inaasahan pang sisigla ang bentahan nito hanggang sa bisperas ng Bagong Taon.
Pero kapansin-pansin din na patingi-tingi tingi ang binibili ng ating mga kababayan dito dahil nagtaas na rin ng P20 kada kilo ang presyuhan ng mga bilog na prutas.
Black Grapes Seedless – P240/kilo
Longgan -P200/kilo
Chico – P100/kilo
Cherry -P1,400/kilo pinakamabili
Melon – P130/kilo
Kiat-kiat -P50-P70/net
Ponkan P10/each
Red Apple -P30/each
Kiwi -P30/each
Pakwan – P120/each
Pinya – P60/each
Peras – P25/each
Samantala, inimbitahan ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina ang mga residente nito sa isasagawang year-end concert at fireworks display bukas, December 30, 3PM sa Marikina Sports Center.
Habang may mga itinalaga ring community fireworks area ang Marikina LGU sa bawat barangay kung saan maaaring manood ang mga residente. | ulat ni Diane Lear