Nagsimula nang kumuha ng permit at clearances sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga firecracker retailer sa lalawigan ng Pangasinan upang makapag-benta ng paputok sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay BFP Provincial Information Officer Fire Senior Inspector Ciara Ley Capule, base sa kanilang datos mayroon ng nagsumite ng aplikasyon sa kanilang tanggapan mula sa bayan ng Pozorrubio.
Nagpapatuloy rin sila sa pagsasagawa ng inspeksyon sa iba pang establishemento sa lalawigan na nagpahiwatig narin ng interes na magbenta ng paputok ngayong Holiday Season.
Kabilang sa sinusuri ng BFP para mabigyan sila ng permit at clearances ay kung angkop ba ang kanilang lugar para pagbentahan ng mga firecrackers na isang pamantayan upang sila ay mabigyan ng permiso.
Sa ngayon pinaigting naman ng BFP ang kanilang information education campaign upang mahikayat ang publiko na iwasan na lamang ang paggamit ng paputok para sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan
📷 BFP Pangasinan