Ipinapanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte na bigyang insentibo ang mga kabataan na kukuha ng career sa agriculture sector.
Sa kaniyang House Bill 9329 o Magna Carta of Young Farmers, maliban sa scholarship ay iuugnay sa state universities and colleges ang mga kabataan na kukuha ng kurso na may kaugnayan sa agrikultura.
Bibigyang prayoridad din sila na mabigyan ng lupa ng gobyerno, teknikal na pagsasanay, binhi at iba pang farm inputs at tulong para maibenta ang kanilang produkto.
Umaasa ang mambabatas na sa paraang ito ay mas maraminng kabataan ang maengganyo na kumuha ng agri-courses at makatulong na mapalakas ang produksyon ng pagkain sa bansa.
Maaaring makapasok sa naturang programa ang mga edad 15 hanggang 35.
“With Filipino farmers getting older with each passing day, our country may soon face a critical shortage of food producers in the next 12 years. We need fresh, young minds to revitalize our agriculture sector and turn it into a main economic growth driver,” sabi ni Duterte.
Batay sa pag-aaral ng University of the Philippines (UP) noong 2020, sinabi ni Duterte na ang average na edad ng mga Pilipinong magsasaka ay 53.
Maliban dito ay bumababa rin ang laki ng mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura. | ulat ni Kathleen Jean Forbes