Inaprubahan na ng Senado ang dalawang kasunduan na mayroon ang Pilipinas sa Brunei Darussalam at sa Republic of Korea.
Sinang-ayunan ng mga senador ang Senate Resolution 790 o ratipikasyon sa kasunduan ng Pilipinas para mapalalim ang economic relations natin sa Brunei sa pamamagitan ng kooperasyon pagdating sa usapin ng pagbubuwis.
Layon rin nitong tugunan ang epekto ng double taxation at patatagin ang pagapapatupad ng dalawang bansa ng batas kontra tax evasion.
Inaprubahan na rin ng mataas na kapulungan ang ratipikasyon tungkol sa kasunduang magpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at South Korea pagdating sa social security (senate resolution 878).
Ayon kay senate committee on foreign relations chairperson imee marcos, ang naturang kasunduan ay magpapahintulot sa mga pinoy sa south korea na magkaroon ng social security benefits.
Sa ilalim ng kasunduan, ang social security ng mga manggagawang Pinoy sa Korea ay mananatili sa ilalim ng National Pension Service (NPS) ng Korea at walang magiging transfer ng kontribusyon mula NPS sa ating SSS o GSIS.
Ang mga OFW ay may opsyon rin na i-refund ang kanilang NPS contribution sa pagtatapos ng kanilang kontrata sa ilalim ng parehong kondisyon na ibinibigay sa mga Koreano. | ulat ni Nimfa Asuncion