Kinilala ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang mga kompanya sa freeport na may mahusay na performance ngayong taon.
Pinangunahan ni SBMA Chair at administrator Jonathan Tan ang Mabuhay Awards 2023 kung saan pinarangalan ang 20 mga kompanya na nagpamalas ng “exemplary and innovative accomplishments.”
Kabilang sa mga kategorya ng awards ang MSMEs category, new business of the year awards, service business of the year special achievement awards, supportive manpower services at iba pa.
Nasungkit ng Royal Duty Free Shops ang Service Business of the Year at Leisure Industry Special Achievement awards.
Kabilang din sa mga binigyang pagkilala ang mga Top Exporter of the Year, Business Developer of the Year ang Loyalty awardee para kilalanin ang mga kompanya na matagal nang nag-ooperate sa SBMA.
Ayon kay Chair Tan, hindi titigal ang ahensya sa pagbibigay ng awards sa mga kompanyang kapartner ng SBMA na siyang may malaking ambag sa paglago ng freeport at komunidad.| ulat ni Melany V. Reyes