Nakiisa ang mga mag-aaral at mga guro ng iba’t ibang pampublikong paaralan sa Pilipinas sa isinagawang simultaneous tree planting activity ng Department of Education (DepEd) ngayong araw.
Pinangunahan ni Education Undersecretary at Chief of Staff Atty. Michael Poa at iba pang opisyal ng ahensya ang naturang akbidad, na pinamagatang DepEd’s 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children sa Pasig Central Elementary School.
Dumalo din sa aktibidad sina Pasig City Representative Roman Romulo, ilang opisyal ng DepEd field offices at schools.
Layon nitong isulong ang environmental preservation at responsibility sa mga kabataan kung saan ito ay nilahukan ng mahigit 40,000 na mga pampublikong paaralan sa buong bansa. | ulat ni Diane Lear
Photos: DepEd