Mga mag-aaral mula MSU Marawi na dumating sa Davao City, isinailalim sa stress debriefing 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinailalim sa stress debriefing ang mga mag-aaral na sinundo at dumating kahapon sa lungsod ng Davao galing sa MSU Marawi.

Ang nasabing mga mag-aaral ay iilan lamang sa mga apektado ng nangyaring pambobomba sa Dimaporo Gym, Linggo ng umaga.

Una nang sinundo ng lokal na pamahalaan ng Davao ang nasa 16 na mag-aaral. Tatlo nito ay mula sa Davao City, lima sa Tagum City, dalawa sa Digos City at Monkayo, at tig-iisa sa Mawab, Pantukan, Malita at Lupon.

Ayon kay Harvey James Lanticse, OIC ng Davao City Information Office, nakatanggap sila ng komunikasyon na may mga Dabawenyong mag-aaral ang nais nang umuwi sa kanilang mga pamilya matapos ang pangyayari.

Samantala, sinabi naman ni Task Force Davao Commander Colonel Darren Comia na nagpapatuloy ang kanilang pagpapatupad ng mahigpit na security measures upang masiguro na hindi malusutan ng mga grupo o indibidwal na nais maghasik ng kaguluhan sa lungsod. Sinabi rin ng opisyal na kahit walang natanggap na direktang banta ang lungsod ay mananatiling nakatutok parin ang security sector para sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad para sa mga Dabawenyo at buong lungsod. | via Sheila Lisondra | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us