Nagpasalamat si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa aktibong partisipasyon ng mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main Campus sa ginanap na ikalawang PCO CommUnity Caravan.
Inihayag ni Sec. Cheloy ang kaniyang appreciation sa pakikilahok ng PUPians na aniya’y may malaking potensyal na maging mga future broadcaster, reporter, maging performers.
Gaya ng naunang caravan, nakapwesto ang mga booth ng iba’t ibang sangay na ahensya ng PCO gaya ng PTV-4, RTVM, Philippine News Agency, Philippine Information Agency, IBC-13, Maging Mapanuri, Konsyerto sa Palasyo, at Presidential Broadcast Service-Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS) na pwedeng bisitahin ng mga estudyante.
Game na game naman ang mga iskolar ng bayan na makisali sa ikinasang DJ at Broadcaster challenge ng FM at AM stations ng PBS-BBS.
Layon ng PCO CommUnity Caravan na ilapit sa mga paaralan ang mga sangay na ahensya ng PCO, at tulungan ang mga mag-aaral na labanan ang pagkalat ng misinformation at disinformation. | ulat ni Hazel Joy Morada