Hinikayat ni Presidential Communications Office Undersecretary Emerald Ridao ang mga estudyante mula Lyceum of the Philippines University kung saan ginaganap ang kauna-unahang PCO CommUnity Caravan na ‘maging mapanuri’ sa mga ibinabahaging balita at impormasyon lalo na sa digital media.
Ani Usec. Ridao, talamak ang misinformation at disinformation online kaya’t pinaaalalahanan ang mga mag-aaral na tiyaking hindi na ito lumala pa sa pamamagitan ng pagsigurong mula sa lehitimong sources ang mga ibinabahaging impormasyon.
Ito rin aniya ang dahilan sa paglulunsad ng ‘Maging Mapanuri’ media information and literacy campaign ng PCO na layong isulong ang media literacy at accountability.
Ibinahagi rin ni Usec. Ridao kung paano ma-i-spot-an ang fake news: tiyaking credible o maaasahan ang source, alamin kung kanino talaga nagmula ang mga impormasyon, at kung siguraduhing timely o napapanahon ang mga balita.
Mahalaga rin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagsawata ng fake news.
Iikot pa ang PCO CommUnity Caravan sa iba pang campuses at university sa bansa. Sa Dec 12, PUP Sta. Mesa naman ang pupuntahan ng PCO para sa CommUnity Caravan. | ulat ni Hazel Morada