Marami na ang nakapwestong tindahan ng mga bilog na prutas sa bahagi ng Litex Market sa Quezon City, ilang araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Nakagawian na ng ilang pamilya ang maghanda ng mga bilog na prutas dahil pinaniniwalaang nagdadala ito ng maraming swerte.
Ayon kay Mang Jomar, tindero ng prutas, sa ngayon may ilang prutas na ang nagtaas ang puhunan gaya ng grapes at apple na may dagdag nang ₱150 kada crate.
Naglalaro na ngayon sa ₱240 hanggang ₱250 ang kada kilo ng grapes.
May mabibili pa rin namang tatlong piraso sa halagang ₱100 gaya ng Peras, Fuji Apple, at Ponkan. Three for ₱50 rin sa Lemon, ₱100 naman ang kada balot ng Kiat-Kiat.
Sa ngayon, matumal pa naman aniya ang bentahan ng mga bilog na prutas.
Inaasahan ni Mang Jomat na sa December 29 pa magsisimulang sumigla ang bentahan ng prutas hanggang sa December 31 para sa mga maghahanda nito sa Media Noche. | ulat ni Merry Ann Bastasa