Kinumpirma ni G. Michael Tolentino ng PDRRMO Antique na umakyat na sa 18 ang namatay sa Ceres bus tragedy sa bayan ng Hamtic, Antique.
Ito ay matapos bawian ng buhay ang isa sa mga pasyente na unang binalitang nasa kritikal ang kondisyon.
Ang ‘latest death’ ng Ceres bus tragedy sa Antique ay babae at namatay sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City.
Sa ngayon, ayon sa PDRRMO, 4 ang nasa mabuti nang kalagayan; 4 naman ang nasa ‘improving condition’; at dalawa ang ‘under close monitoring’.
Kung matatandaan, pasado alas-4 ng hapon, Disyembre 5, nangyari ang trahedya kung saan nahulog sa bangin ang isang Ceres bus mula Iloilo sa Barangay Igbucagay, bayan ng Hamtic.
Sasagutin naman ng Vallacar Transit Incorporated, may-ari ng nahulog na Ceres Bus, ang medical at burial expenses ng mga naging biktima ng nasabing trahedya.
Ayon sa ipinalabas na statement ng management ng Vallacar, meron na siling personnel-on-stand-by sa mga ospital kung saan nagpapagamot ang mga biktima para sa update at karagdagang assistance.
Samantala, patuloy din ang clearing operation sa site kung saan nalaglag ang Ceres bus. | ulat ni Hope Torrechante RP Iloilo
📷: Iloilo City DRRMO