Mga natatanging lingkod-maralita, tampok sa selebrasyon ng ika-34 na Urban Poor Solidarity Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ngayong araw ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang selebrasyon ng Urban Poor Solidarity Week 2023 na nakasentro sa pagpapaunlad ng buhay ng mga maralitang tagalungsod.

Ipinagdiriwang tuwing Disyembre kada taon ang Urban Poor Solidarity Week alinsunod na rin sa Presidential Proclamation No. 367 upang maipaunawa ang mga isyu ukol sa urban poverty at maitaguyod ang kooperasyon para maiangat sa kahirapan ang mga maralita.

Ngayong taon, ang tema ng selebrasyon ay “Bagong Pilipinas, Pagbangon at Pag-unlad ng Maralitang Pilipino.”

Bahagi ng programa ang presentasyon ni PCUP Chairperson at Chief Executive Officer, Undersecretary Elpidio Jordan, Jr. ng kanyang ulat ukol sa mga pangunahing nagawa ng Komisyon habang tinutupad ang mandato nito na magsilbing direktang ugnay ng mga maralitang tagalungsod sa gobyerno.

Tampok rin dito ang Natatanging Lingkod-Maralita Award na iginagawad sa mga indibidwal, grupo, at organisasyon na may malaking ambag sa pagpapalawig ng mga programa at serbisyo ng PCUP.

Kikilalanin din ang mga partner national agencies at pribadong sektor na katuwang ng PCUP at sumusuporta sa mga programa nito para sa urban poor. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us