Mga pamilyang apektado ng Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur, nadagdagan pa — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat pa sa higit 100,000 pamilya o katumbas ng halos 400,000 indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)na naapektuhan ng tumamang Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong December 2.

Ayon sa DSWD, bukod sa CARAGA Region, ilang lalawigan din sa Davao Region ang apektado ng malakas na pagyanig.

As of December 4 naman, may walong pamilya na o katumbas ng 28 indibidwal ang pansamantalang nananatili sa evacuation center habang may higit 500 displaced families rin ang nakikitira na muna sa kanilang kaanak.

Samantala, mayroon na ring 193 kabahayan ang labis na napinsala ng lindol habang higit 2,000 ang partially damaged.

Kaugnay nito, agad na ring nakapaghatid ang DSWD ng paunang tulong sa mga apektado ng lindol kabilang ang food packs at cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Nananatiling naakahanda rin ang higit ₱2.8-bilyong halaga ng stockpile at standby funds ng DSWD para tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong lalawigan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us