Patuloy ang dagsa ng mga pasahero sa ilang bus terminal sa Quezon City para makauwi sa kanilang lalawigan, dalawang araw bago ang Pasko.
Sa JAC liner, hanggang alas-9:45 ng umaga, halos hindi na mahulugan ng karayom ang dami ng pasahero na bibiyahe papuntang Quezon Province.
May biyahe ring papunta sa ilang lugar sa Central at Northern Luzon.
Tiniyak naman ng pamunuan ng JAC Liner na may sapat silang units na magbibigay serbisyo sa mga pasahero.
Mula pa kahapon ay marami nang pasahero ang nagsiuwian at asahan pa mamayang hapon hanggang bukas.
Ilan pa sa mga bus terminal na dinadagsa pa ng mga pasahero ang JAM liner, 5 Star at Ceres bus.
Samantala inirereklamo naman ng mga pasahero ang mga taxi driver na tumatangging magsakay at naniningil ng labis na pamasahe. | ulat ni Rey Ferrer