Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga pasahero sa terminal ng Victory Liner sa Quezon City para sa nais na lumuwas pauwi ng probinsya at doon ipagdiwang ang Bagong Taon.
Karamihan ngayon sa mga pasahero ay ‘chance passenger’ na o mga nagbabaka-sakali na lang kahit walang ticket reservation dahil fully booked na ang biyahe pa-Isabela maging Cagayan hanggang bukas December 29.
Isang malaking tent na may mga monobloc chairs ang inilaan sa kanila para kumpotable pa rin habang naghihintay ng masasakyan.
Inaasahan pang hanggang sa December 30 ay may mga hahabol pa ring pasahero para makauwi ng kanilang probinsya.
Hindi naman gaanong naiipon ang mga pasahero dahil mabilis rin naman ang pagdating at pag-alis ng mga bus.
Nasa 18 bus ang nabigyan ng special permit sa Victory Liner para ma-accomodate ang buhos ng mga pasaherong bibiyahe ngayong holiday season.
Kaugnay nito, ipinaalala naman ng Victory Liner na bawal ang magbitbit ng paputok sa mga sasakay ng bus. | ulat ni Merry Ann Bastasa