Mga senador, hinikayat ang mga security forces ng bansa na gamitin ang buong pwersa para mahuli ang natitira pang mga suspek sa MSU bombing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs chairman Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang security forces ng bansa sa pagkakahuli sa isa sa mga suspek sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong Linggo.

Kasabay nito ay hinimok ni Dela Rosa ang mga security forces ng Pilipinas na gamitin ang lahat ng resources ng gobyerno para arestuhin ang natitira pang suspek, lalo na ang dalawang tukoy nang mga suspek.

Samantala, nanawagan naman si Senate Minority leader Koko Pimentel sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies, maging ang buong gobyerno na bilisan ang malalimang imbestigasyon sa MSU bombing.

Pinaalala ni Pimentel na dapat laging dapat sundan ang ebidensya at alalahanin na ang mga indibidwal na ito ay presumed innocent hangga’t hindi pa napapatunayan na guilty.

Dapat rin aniyang tandaan na kailangan ring respetuhin ang karapatan ng mga ito. | via Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us