Nirerespeto ng mga senador ang desisyon ni Pope Francis na payagan ang mga pari ng simbahang Katoliko na bigyang basbas ang mga same-sex couple.
Ayon kay Senador JV Ejercito, isa itong matapang na hakbang mula sa Pope.
Para sa senador, magandang hakbang ito mula sa Santo Papa pero aminado siyang nakakabigla ito.
Nilinaw naman ni Ejercito na ang blessing na ibinigay ni Pope Francis ay hindi full marriage at isa lamang aniya itong pagkilala ng desisyon ng same-sex couple na makapiling ang isa’t isa.
Giit ni Senador JV, kailangang resolbahin ang isyu ng same sex couples tungkol sa kanilang property rights.
Gayunpaman pagdating aniya sa usapin ng paggawad ng full marriage para sa kanila ay kailangan pa itong pag-aralang maigi.
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na bilang isang non-Catholic ay inirerespeto niya ang desisyon ng Santo Papa.
Pero bang isang Christian ay naniniwala si Villanueva na mas nakakahigit ang salita ng Diyos kaysa sa salita ng tao. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion