Nanindigan si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales na walang dapat ipangamba ang mga senador sa itinutulak na pag-amyenda ng Kamara sa 1987 Constitution.
Ito’y kasunod ng agam-agam ng ilang senador sa charter change lalo na sa posibilidad ng pagpapalit ng porma ng pamahalaan.
Ayon kay Gonzales, tanging amyenda sa economic provisions lang ang napagkasunduan sa all party-leaders caucus ng Kamara.
Tahasan din nitong itinanggi na kaya itinutulak ang cha-cha ay para may i-upong prime minister.
Kung gusto man umano ng iba na maisama ang political provision, limitado lamang aniya ito sa termino ng mga kongresista, gobernador, alkalde at mga barangay officials.
Bunsod na rin aniya ito ng napaka-ikling panahon ng kanilang termino na kada tatlong taon lamang. | ulat ni Kathleen Jean Forbes