Ginawaran ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ng Gold at Silver Cross medals ang mga tropa ng 8th Infantry (Stormtrooper) Division sa kanyang pagbisita kahapon sa kanilang headquarters sa Catbalogan City, Samar.
Limang sundalo ang nakatanggap ng Gold Cross medals dahil sa kanilang katapangan sa pakikipaglaban sa NPA na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang teroristang komunista at pagkakarekober ng 8 armas ng kalaban sa tatlong magkakahiwalay na engkwentro.
Habang tatlong sundalo naman ang ginawaran ng Silver Cross medals para sa kanilang tagumpay kontra sa NPA, na nagresulta sa pagkasawi ng 7 teroristang komunista, pagkahuli ng isa, at pagkakarekober ng 3 baril at improvised explosive device.
Kasabay nito, pormal ding kinomisyon ni Gen. Brawner sa Reserve Force ang 11 bagong opisyal, na bahagi ng pagpapalakas ng AFP ng reserve force bilang mahalagang component ng istrakturang pandepensa. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAOAFP