Matagumpay na naisagawa ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang tatlong oras na system maintenance mula alas-11 ng gabi kahapon hanggang kaninang alas-2 ng madaling araw.
Ayon kay MIAA General Manager Brian Co, ang mga pag-upgrade ng electrical system ng paliparan ay walang anumang naging epekto sa mga operasyon ng paliparan, walang mga pagkansela o pagkaantala ng flight na maiuugnay sa pag-upgrade ng kuryente sa NAIA.
Dagdag pa ni Co ang maintenance work na isinagawa ng Meralco, ang pagpapalit ng malalaking kable ng kuryente pag-upgrade sa boltahe na circuit breaker, at pagpalit ng mga bagong relay na bahagi ng pagpapabuti sa pangkalahatan at maaasahan na electrical system ng NAIA Terminal 3. | ulat ni AJ Ignacio