Muling ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista ang kahalagahan ng pag-iingat lalo na sa pagmamaneho
Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, pinakamahalagang bahagi aniya ng sasakyan ang mga salamin.
Dito kasi aniya, matatantiya ng motorista ang distansya nito sa iba pang mga sasakyan bago lumipat ng lane.
Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan ang mga banggaan at aksdente sa kalsada.
Dahil kaliwa’t kanan ang mga pagtitipon sa panahong ito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iinom ng alak na huwag nang magmaneho sa halip, sumakay na lamang ng pampublikong sasakyan. | ulat ni Jaymark Dagala