Monitoring at evaluation sa mga programa ng pamahalaan, makapagpapalakas sa ekonomiya ng bansa — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat magkaroon ng mas masiglang ugnayan ang iba’t ibang sektor upang mapaigting ang pagpapatupad ng “monitoring and evaluation” sa mga programa ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na layong mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa.

Sa kaniyang talumpati sa ika-10 M&E Network Forum, ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, kailangang magkaroon ng matibay na pagtutulungan para sa monitoring and evaluation.

Inorganisa ng United Nations Development Programme ang naturang forum na dinaluhan ng may 200 practitioners.

Ani Balisacan, sa tulong ng UNDP at iba pang organisasyon, umaasa silang magkakaroon ng mga bagong pag-aaral na magagamit naman sa pag-update sa Philippine Development Plan 2023-2028.

Naniniwala si Balisacan na magkakaroon ng mga bagong hamon na mangangailangan ng bagong solusyon sa mga susunod na dekada kaya’t dapat itong paghandaan katuwang ang iba’t ibang grupo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us