MSU students mula sa Agusan Del Sur, matagumpay na nakabalik sa  kanilang pamilya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon sa Provincial Government of Agusan del Sur, 91 na estudyante mula sa Agusan del Sur na nag-aaral sa Marawi State University o MSU ang sinundo ng Agusan del Sur response team .

Napag alamang ipinag- utos ni Agusan del Sur Governor Santi B. Cane ang repatriation ng nasabing mga estudyante matapos magpahayag ang mga ito ng pangamba bungsod sa nangyaring pamomomba sa loob ng MSU Main Campus Gym.

Pinasalamatan naman ng Pamahalaang  Panlalalawigan ang MSU-IIT, Iligan City LGU and Cagayan de Oro City at Team Eddiebong sa ligtas na pag uwi ng mga estudyante.

Ang mga estudyante ay isasailalim sa preliminary psychological aid, ayon sa probinsya. | ulat ni  Malou Apego | RP1 Butuan

Photos: PPIO Agusan del Sur

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us