Pagpapaluwag ng kalsada ang diskarte ngayon ng pamahalaang lungsod ng Maynila para mapabilis ang daloy ng mga sasakyan sa mga Christmas spots o shopping area sa lugar.
Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB Chief for Operations Wilson Chan – ipinag utos sa kanila ni Manila Mayor Honey Lacuna na dapat ay tuloy tuloy ang “paghatak” nila sa traffic o pagpapausad ng mga sasakyan.
Aniya mahigpit nilang ipinatutupad ang pag clear ng mga nakaharang sa kalsada o obstruction.
Matatandaan na sadyang maliliit ang kalsada sa maynila na madalas ay hinahanrangan pa ng ibat ibang harang gaya ng mga tindahan o i mga kalat.
Tiniyak din ni Chan na patuloy ang gagawin nilang pagmamando sa trapiko para mapagaan ito lalo na ngayong holiday season. | ulat ni Lorenz Tanjoco