Inaasahang muling bubuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang 100-kilometer route nito mula Naga patungong Legazpi matapos ang anim na taon.
Ayon sa PNR, simula Disyembre 27, apat na trips kada araw ang babiyahe mula Naga City patungong Legazpi CIty at pabalik.
Kasama sa muling pag-operate nito ang tatlong mga bagong istasyon ng Travesia, Daraga, at Legazpi.
Kasama sa mga stops ng nasabing ruta ang mga istasyon ng Naga, Pili, Iriga, Polangui, and Ligao, at walong flag stops sa Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.
Samantala, aabot naman mula P15 hanggang P155 ang pamasahe depende sa hihintuang istasyon. Habang may 20% na diskwento para sa mga senior citizen, estudyante, at may kapansanang pasahero.
Maalala noong Abril 2017 nang itigil ang operasyon ng Naga-Legazpi route dahil kakulangan ng mga train coaches at locomotives nang mga panahon na iyon. | ulat ni EJ Lazaro