Narekober ng mga tropa ng 56th Infantry Battalion (56IB) ang nakaimbak na armas ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Nalubas, Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte kahapon.
Ang mga nahukay na nakabaong armas ay kinabibilangan ng: isang Bushmaster M4 Assault Rifle, isang Colt M4 Assault Rifle, tatlong long magazine assembly, at 96 na round ng Cal. 5.56mm ammunition.
Natunton ang pinagtataguan ng mga armas sa tulong ng mga nagbalik-loob na NPA, na nagsabing ibinaon na lang ang mga armas dahil naubusan na ng tauhan ang NPA na gagamit nito.
Samantala, dalawang NPA na mag-asawa kasama ang kanilang mga anak, ang sumuko sa mga tropa ng 56IB habang nagsasagawa ng “boodle fight” noong Christmas Eve.
Kasabay nilang isinuko ang isang Cal. 38 revolver, mga bala, at isang improvised explosive device. | ulat ni Leo Sarne
📸: 56IB