Nasa 30 kabahayan, naabo sa sunog sa Binangonan, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi bababa sa 30 kabahayan ang apektado sa nangyaring sunog sa Brgy. Tagpos, Binangonan sa Rizal kaninang madaling araw.

Batay sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Binangonan, sumiklab ang sunog dakong alas-4 ng madaling araw at umakyat pa sa ikatlong alarma.

Batay naman sa impormasyon mula sa Brgy. Tagpos, mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Kasalukuyang nananatili sa Tagpos Elementary School ang mga nasunugan na halos walang naisalba mula sa kanilang nasunog na mga tahanan.

Tumagal ng isang oras at 40 minuto ang sunog bago tuluyang naapula at walang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP hinggil sa pinagmulan ng sunog gayundin ang halaga ng pinsalang iniwan nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us