Nag-alay ng bulaklak para sa “fallen soldiers” si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig ngayong umaga.
Bahagi ito ng nationwide wreath-laying ceremony sa iba’t ibang kampo militar kaugnay ng pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo ng AFP sa Disyembre 21.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Gen. Brawner ang legasiya at kabayanihan ng mga magigiting na sundalong nag-alay ng buhay sa pagtatanggol sa bayan.
Kasabay nito, pinangunahan naman ni BGen Armand Arevalo, Commander ng General Headquarters and Headquarters Service Command, ang wreath-laying ceremony sa Camp Aguinaldo.
Habang si MGen. Ramon Guiang, Vice Commander ng Philippine Air Force, ang nanguna sa wreath-laying ceremony sa Villamor Air Base sa Pasay City. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAOAFP, Kit Agad CivHR/AFPAO/Cpl Esteban/PAOAFP