Naghahanda na ang National Electrification Administration (NEA) para ilunsad sa susunod na taon ang isa sa flagship projects nito na ‘Digital Dashboard Command Center’ (DDCC).
Dahil dito, asahan nang makikipagtulungan si NEA Administrator Antonio Mariano Almeda sa Benguet Electric Cooperative (BENECO) at Cebu III Electric Cooperative, Inc. (CEBECO 3), na magsisilbing pilot co-ops para sa unang yugto ng DDCC.
Parehong pinili ang mga electric cooperative (EC) dahil mayroon na silang mga Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) system na nakalagay.
Plano din ng NEA na makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Science and Technology (DOST) para ihanda ang iba pang Electric Cooperative kaugnay ng SCADA system at DDCC.
Nilalayon ng NEA na ilunsad ang DDCC at ikonekta ang 60 Electric Cooperative sa taong 2024. | ulat ni Rey Ferrer