Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na may nakalatag na mga hakbang ang pamahalaan para maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon sa takbo ng ekonomiya ng bansa.
Ito ang tinuran ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod na rin ng kanilang projection na hindi magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ang El Niño.
Ani Balisacan, batay sa kanilang pagtaya, hindi magiging kasing lala ng El Niño ngayon kumpara sa naranasang matinding tagtuyot noong mga taong 1997 hanggang 1998.
Pero mararamdaman aniya ang epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa inaasahang kakapusan ng suplay ng mga produktong agrikultural.
Kaya naman, habang matatag pa ang suplay at presyo, sinabi ni Balisacan na i-modify ang review period sa tarrif rate batay na rin sa rekomendasyon ng Committee on Tariff and Related Maters. | ulat ni Jaymark Dagala