Nagpatupad na ng mga kinakailangang paghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa Tropical Depression Kabayan.
Nilalayon nitong mabawasan ang epekto sa transmission operations at mga pasilidad ng NGCP.
Kasama sa mga paghahanda ang pagtiyak ng mga kagamitan sa komunikasyon, pagkakaroon ng hardware materials at supplies na kailangan para sa repair ng mga pinsala sa mga pasilidad.
Nagtalaga na rin ang NGCP ng mga line crew sa strategic areas upang mapadali ang agarang restoration work.
Isinagawa ito ng Integrated Disaster Action Plan (IDAP)ng NGCP upang matiyak ang kahandaan ng lahat ng power transmission facilities na inaasahang maaapektuhan ng pagdaan ng weather disturbance.
Batay sa ulat ng PAGASA, ang bagyong Kabayan ay nasa 440 km East ng Davao City, Davao del Sur.
Mabagal na gumagalaw pahilaga-Hilagang Kanluran. Taglay nito ang lakas mg hangin na 55 km/kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 70 km kada oras. | ulat ni Rey Ferrer