Itinutulak ni Pinuno Party-list Representative Ivan Howard Guintur na bigyang kapangyarihan ang National Housing Authority (NHA) na bawiin ang housing unit na hindi ginamit o inabandona ng benepisyaryong pinagkalooban nito.
Sa House Bill 9258, tinukoy ng mambabatas na sa 2022 Performance Scorecard ng NHA- Estate Management Department mayroong 22,635 housing unit na naibigay na sa mga benepisyaryo ngunit hindi pa rin tinitirahan.
“The substantial number of unoccupied or abandoned housing units of the NHA calls for measures to ensure that housing units of the NHA are awarded and utilized by qualified and deserving beneficiaries who will.. occupy the same,” sabi ni Guintu.
Kaya upang hindi masayang ang limitadong pondo ng gobyerno, mas maigi na ibigay na lamang ng NHA ang naturang mga pabahay sa ibang benepisyaryo.
Aamyendahan ng House Bill 9258 ang Presidential Decree 757 o batas na lumikha sa NHA, upang maipasok ang probisyon para sa dagdag na kapangyarihan ng ahensya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes