NHCP, aktibong nakikipag-ugnayan sa BARMM para sa komemorasyon ng ika-650 anibersaryo ng Philippine Muslim History and Heritage

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng National Historical Commission of the Philippines para sa nalalapit na komemorasyon ng ika-650 anibersaryo ng Philippine Muslim History and Heritage sa 2030.

Ito matapos na aprubahan ni PBBM ang Administrative Order no. 10 na nag-uutos sa pagbuo ng “Situmiayat Wakhamsum Aldhikraa National Committee” (SWANC) na tututok sa planning at implementasyon ng mga programa, aktibidad, at mga proyekto para sa anibersaryong ito.

Ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang siyang nangunguna sa komite.

Ayon kay NHCP Chair Emmanuel Calairo, kinikilala ng komisyon ang mahalagang gagampanan ng BARMM sa selebrasyon lalo’t ang gugunitain ay ang papel ng Muslim Filipino sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas.

Makakaasa aniya ang BARMM na sila ay masusing makokonsulta sa gagauwng komemorasyon ng ika-650 anibersaryo ng Philippine Muslim History and Heritage. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us