No Leave Policy, paiiralin ng PNP kasabay ng ipatutupad na Full Alert status ngayong magpa-Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipatutupad na rin ng Philippine National Police (PNP) ang No-Leave policy sa kanilang mga tauhan simula sa December 15 kasabay ng pagtataas ng Full Alert status ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Pero paliwanag ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, regular na aniyang ginagawa ng PNP ang pagsuspinde sa leave ng mga pulis bahagi ng kanilang “Ligtas Paskuhan 2023.”

Kailangan kasi aniyang matiyak na mayroong available silang tauhan na maipakakalat sakaling kailanganin ng karagdagang puwersa bukod pa sa naka-deploy nang halos 40,000 pulis sa buong bansa.

Dagdag pa ni Fajardo, katuwang din ng PNP ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga Lokal na Pamahalaan na magsisilbi namang force multipliers.

Partikular sa mga tututukan ng PNP ay ang mga areas of convergence o matataong lugar gaya ng mga Simbahan lalo’t magsisimula na ang tradisyunal na Simbang Gabi, mga pantalan, paliparan, bus terminal, malls, at pook pasyalan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us