‘No registration, no travel’ policy, niluwagan ng LTO ngayong holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niluwagan ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng “no registration, no travel” policy ngayong holiday season.

Inatasan ni LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II ang kaniyang mga tauhan na iwasan muna na mag-impound ng ‘di rehistradong mga sasakyan, at bigyan ang mga ito ng pagkakataon na makapagrehistro.

Aniya, mabigat para sa mga motorista ang dagdag na babayarang P10,000 kapag na-impound ang kanilang sasakyan.

Muli naman umanong ipapatupad ang patakaran sa Enero sa susunod na taon.

Nabatid na humigit-kumulang sa 24.7 milyon o 67 porsiyento ng mga sasakyan ang nairekord bilang delinquent.

Kasabay nito, pinayuhan ng LTO chief ang ‘delinquent motor vehicles’ na magtabi ng bahagi ng kanilang 13th month pay at mga bonus para i-renew ang registration ng kanilang ng sasakyan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us