Mariing kinondena ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang isinagawang iligal na aksyon ng Chinese Coast Guard at Maritime Militia ngayong araw laban sa silbilyang barko ng Pilipinas.
Sinasabing nagsasagawa ng isang humanitarian mission malapit sa Bajo de Masinloc ang sasakyang pandagat ng BFAR ng gumamit ang mga pwersa ng China ng water cannon na nagresulta sa pinsala sa barko ng Pilipino at nagdulot ng discomfort sa mga crew member nito.
Ayon din sa NTF-WPS, nag-engage din ang Chinese Maritime Militia ng mga dangerous maneuvers, na humadlang sa pamamahagi ng oil subsidy at grocery packs ng BFAR.
Itinuturing ding iligal at di makatao ng task force ang pag-deploy na ito ng China upang itaboy ang mga barkong Pilipino.
Muli ring ipinunto ng NTF-WPS, ang soberanya ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc na sang-ayon sa 2016 Arbitral Award at dindemand ang agarang pag-withdraw ng mga barkong Tsino sa lugar.
Nanawagan din ang NTF-WPS sa gobyerno ng Tsina na itigil ang agresibong mga aksyon nito, ipatupad ang international law, at siguruhin ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar.| ulat ni EJ Lazaro