Inihayag ng Department of Migrant Workers o DWM na tumaas ang bilang ng migranteng Pilipino ngayong 2023.
Ayon kay DMW Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac, pumalo sa halos 2.4 million ang nailabas na overseas employment certificate ngayon taon o halos 18% ang itinaas kumpara sa nakalipas na taon.
Sa datos ng DWM, pinakamalaki ang itinaas ng mga migrant worker na sea-based na nasa 608 thousand mula sa 554 thousand noong 2022.
Ito ang unang beses na umakyat sa nasabing bilang ang dami ng mga marino na nabigyan ng go-signal para maglayag sa buong taon.
Paliwanag ni Cacdac, posible pang tumaas ang deployment dahil sa kawalan ng COVID restrictions at pagbubukas ng ekonomiya ng buong mundo.
Kaugnay nito, record-high naman ang 40 billion dollar remittance ang OFWS ngayong 2023 kumpara ito sa 32 billion dollars na naipasok nila noong nakaraang taon. | ulat ni Diane Lear