OFWs, nakilahok sa voluntary works sa agriculture sector sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinikilala ng Philippine Embassy sa Israel ang paglalaan ng panahon ng mga kababayang Pilipino na tumulong sa sektor ng pagsasaka sa Israel.

Ang Embahada ay sumusuporta sa lahat ng gawaing makakatulong ibangon ang agriculture sector at maibalik ang sigla ng suplay ng pagkain ng Israel.

Nagpapasalamat naman ang Embahada ng Pilipinas sa kahanga-hangang ambag na volunteer work ng ating mga kababayan na tumatalima naman sa diwa ng bayanihan ng mga Pilipino.

Patunay aniya ito sa matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Israel at sa nagpapatuloy na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sa kabila nito, pinapayuhan ng Embahada ang mga Pilipino sa nasabing bansa na mag-ingat at iwasan ang pagpunta sa conflict zones at iba pang gawain na maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kaligtasan.

Pinapayuhan din ng Embahada ang Pinoy volunteers na iwasan ang anumang gawain na maaaring maging paglabag sa kanilang umiiral na kontrata sa trabaho o sa mga kondisyon ng kanilang visa habang nasa Israel. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us