Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang maaga at napapanahong paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ₱5.768-trillion 2024 National Budget.
Ayon sa lider ng Kamara dahil sa nalagdaan ito sa tamang oras ay matitiyak na hindi mapuputol ang serbisyo at programa ng gobyerno na malaking tulong para mapanatili ang paglago ng ekonomiya.
“President Marcos, through his decisive leadership and unwavering commitment to the Filipino people, has delivered a clear message of stability and progress. With the 2024 budget firmly in place, we can now proceed with confidence, knowing that crucial investments in vital areas like agriculture, healthcare, education, and infrastructure will continue unabated,” sabi ni Romualdez.
Aniya nakatuon ang 2024 budget sa pangangailangan ng mga Pilipino upang maisakatuparan ang pangako ng Pangulong Marcos na
“Sama-sama, Babangon Tayo Muli.” Partikular dito ang legacy projects” gaya ng Legacy Food Security, Legacy Specialty Hospitals, at Legacy Housing para sa mga mahihirap.
Sinabi pa ni Romualdez na tutugunan ng 2024 Budget ng seguridad sa pagkain, murang pasahe at kuryente, social amelioration programs, climate change, at peace and security lalo na sa West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Jean Forbes