Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko laban sa pagdami ng online scams ngayong holiday season.
Dahil dito, pinayuhan ni DILG Secretary Benhur Abalos, ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng consumers.
Aniya, maaaring i-report ang online scams sa website na www. scamwatchpilipinas.com kung saan madaling maipapaabot ang reklamo ng direkta sa Inter-agency Response Center (I-ARC) ng gobyerno na pinapatakbo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Dito rin makikita sa homepage ang hotline number na 1326 na maaaring tawagan para i-report ang online scams o sa pamamagitan ng pag-click ng messenger button sa pamamagitan ng Cybercrime Investigation & Coordinating Center messenger.
Sinabi pa ni Sec Abalos, kailangan din aniya ang kooperasyon ng consumers upang mahuli at makasuhan ang scammers na walang takot sa panloloko.
Ang verified complaints lamang ang kanilang mga aaksuyunan upang tuloy-tuloy na masampahan ng kaso sa korte at maipakulong. | ulat ni Rey Ferrer