Operasyon at mga programa ng NTF-ELCAC, dapat paigtingin — Sen. Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa gobyerno na palakasin pa ang operasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para maengganyo ang mga barangay na paigtingin ang kanilang panawagan sa mga rebelde na magbalik-loob.

Ayon kay Go, dapat paigtingin ng bawat barangay ang kanilang pagsisikap na kumbinsihin ang mga rebelde na mas masarap mabuhay sa mga bayan sa halip na sa mga bundok.

Giit ng senador malaking bahagi ng pagiging matagumpay ng kampanya kontra mga rebelde ang mga programa ng NTF-ELCAC na nakatutulong sa development ng mga barangay.

Kailangan na aniyang matapos ang labanan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga rebelde lalo’t dahil tuwing may namamatay na rebelde o sundalo ay may pamilyang nauulila.

Muli namang nangako ang mambabatas na susuportahan ang pangangailangan ng NTF-ELCAC at maging ang Balikloob Program ng gobyerno para sa kapayapaan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us