Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang muling pagsama-sama ng mga reached-out individual at kanilang pamilya ngayong Christmas season.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nagawa ito sa pamamagitan ng “Oplan Pag-Abot sa Pasko” program.
Sinabi ni Asec. Dumlao, isang halimbawa lang ito ng commitment ng DSWD para pagsamahin ang mga pamilya, lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Binigyang halibawa nito ang dalawang bata na muling nagkita ng kanyang ina matapos silang ma- reached out ng Pag-Abot Team sa Pasay City noong Disyembre 20.
Sa hiwalay na reach-out operation, muli ding pinag tagpo ang 84-taong gulang na matanda at kanyang pamilya sa Sitio Banat, Barangay San Ramon East,Manabo, Abra noong Disyembre 14.
Sa ilalim ng proyekto, lahat ng naabot na pamilya ay binibigyan ng iba’t ibang serbisyo tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program at Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2).
Ang iba naman ay dinadala sa DSWD-run Centers and Residential Care Facilities para sa kanilang pansamantalang tirahan. | ulat ni Rey Ferrer