Outgoing DOTr Usec. Cesar Chavez, kumpiyansang maipagpapatuloy ng papalit sa kaniya ang mga naging tagumpay ng railway sector

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Outgoing Undersecretary for Railways ng Department of Transportation Cesar Chavez na maipagpapatuloy ng hahalili sa kaniya na si Usec. Jeremy Regino ang mga naging tagumpay ng railway sector.

Ito ang inihayag ni Chavez makaraan naman siyang italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Undersecretary for Strategic Communications sa ilalim ng Office of the President.

Ayon kay Chavez, highly qualified si Regino sa posisyon at tinawag niya itong professional railman dahil na matagal ang kanilang naging pagsasama sa trabaho.

Unang naglingkod si Regino sa Light Rail Transit Authority (LRTA) mula 2004 hanggang 2010, naging Senior Technical Consultant ng Metro Rail Transit (MRT 3) bago naging LRTA Administrator hanggang sa maging General Manager ng Philippine National Railways (PNR).

Nauunawaan aniya ni Regino ang tactical, operational at strategic requirement ng rail sector at ang kahalagahan nito sa pagpapaunlad ng bansa.

Kasunod nito, nagpasalamat si Chavez sa 8 taong paninilbihan niya sa railway sector at alam niyang maayos niya itong iiwan kay Regino. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us