Nagsagawa ng gift-giving activity ang Office of the Vice President sa Davao City sa Mabini Elementary School sa Bangkal at People’s Park sa lungsod ng Davao kaninang umaga.
Umabot sa mahigit 5,000 benepisyaryo ang nabigyan ng 5 kilong bigas at noche buena package sa ginawang aktibidad.
Kabilang sa mga benepisyaryo na nakatanggap ng pamaskong handog ay mga miyembro ng LGBTQ, side walk vendors, mga mag-aaral, teaching at non-teaching staff mula sa Davao City Special Education.
Ayon kay Generose Tecson, head ng OVP satellite office sa Davao City, huling araw na ito ng kanilang pamimigay ng pamaskong handog sa mga target sector na kanilang piniling benepisyaryo. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao