Nakatakdang ayusin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang scholarship ng mga anak ni Jimmy Pacheco na dinukot at pinakawalan ng grupong Hamas.
Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, pinoproseso na ng kanilang tanggapan ang mga benepisyo ng pamilya ni Pacheco mula sa scholarship ng kanyang mga anak at isang business assistance para sa kaniyang asawa.
Ayon naman kay DMW OIC Usec. Hans Leo Cacdac, tutulong din ang kanilang tanggapan sa pagpoproseso ng mga dokumento sakaling bumalik muli ito bilang OFW. | ulat ni AJ Ignacio