Pag-ako ng ISIS sa pagpapasabog sa Marawi, vina-validate ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Vina-validate ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga lumabas na ulat ng pag-ako ng Islamic State ng responsibilidad sa pagpapasabog kahapon sa Mindanao State University sa Marawi.

Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad kasabay ng pagsabi na tinitignan din nila ang posibleng pagkakasangkot ng Daula-Islamiya- Maute Terror Group sa insidente.

Ayon kay Col. Trinidad, nakikipagtulungan ang militar sa Philippine National Police (PNP) para madetermina ang “bomb signature” na makakatulong sa pagtukoy ng mga responsable sa insidente.

Sinabi ni Trinidad na naka-heightened alert ang AFP para masiguro ang kaligtasan ng publiko at mapabilis ang pag-nutralisa sa mga salarin.

Binigyang diin ni Trinidad na “committed” ang AFP sa kanyang mandato na pangalagaan ang mamamayan at estado mula sa lahat ng lokal at dayuhang banta. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us