Welcome sa Department of Finance (DOF) ang pag-apruba sa 2nd reading ng Senado sa pagratipika ng Proposed Senate Resolution No. 790 o ang Agreement between the Philippines and Brunei Darussalam on Double Taxation.
Ang naturang resolution ay ini-sponsor ni Senator Imee Marcos na siyang chair ng Committee on Foreign Relations.
Ayon sa DOF, ang pagratipika ng naturang kasunduan ay nagpapakita ng commitment ng Senado na palakasin ang economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Brunei.
Maalalang nung July 16 2021, lumagda ang Pilipinas at Brunei ng kasunduan na for the Avoidance of Double Taxation and the Prevention of Fiscal Evasion with Respect to Taxes on Income o Double Taxation Avoidance Agreement (DTAA).
Target din ng DTAA na mapadali ang kalakalan ng goods and services, transfer of technology and skills sa pagitan ng dalawang bansa na siyang magpapalakas ng commitment sa ASEAN Forum on Taxation at makumpleto ang network of double taxation agreements sa mga miyembrong bansa ng ASEAN.| ulat ni Melany V. Reyes