Itatampok o bibigyang highlight ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang ugnayan ng ASEAN at Japan na patuloy na nagbibigay ng benepisyo sa mga kasapi nito sa nakalipas na maraming taon.
Ayon sa Pangulo, mahalagang mabigyang diin ang ASEAN-Japan relationship at kung paano ito yumabong at umunlad sa nakalipas na limang dekada.
Kabilang na dito ang naitatag na magkakasama at magkakatuwang na layunin na may kinalaman hindi lamang para sa kapayapaan at seguridad kundi Kasama na ang tungkol sa kalakalan at pamumuhunan.
Bukod pa dito ang may kaugnayan sa food security, mga hakbangin kontra pagbabago ng klima, supply chain, unlad ng imprastruktura at connectivity.
Ang ASEAN- Japan relations ay tumutukoy sa diplomatic, economic, at cultural na mga kahalagahan sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at ng bansang Japan kung saan ay naglalaman ng pakikipagtulungan sa mga nabanggit na larangan. | ulat ni Alvin Baltazar