Pagbuo ng Department of Water, pasado na sa ikalawang pagbasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa 2nd reading sa Kamara ang panukala na bumuo ng isang hiwalay na ahensya para sa pamamahala ng tubig.

Sa pamamagitan ng “viva voce” voting ipinagtibay sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9663 o ang panukalang National Water Resource Act.

Layon nitong tiyakin ang “universal access” sa tubig at sanitation services, at gumawa ng mga hakbang para matugunan ang mga hamon ng “climate change.”

Oras na maging ganap na batas, itatatag ang Department of Water Resources (DWR).

Mapapasailalim nito bilang attached agencies ang: Local Water Utilities Administration, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, National Irrigation Administration, at Laguna Lake Development Authority.

Maglalatag din ng isang Integrated Water Resource Management framework.

Magkakaroon din ng isang Water Trust Fund, na gagamitin para sa water development, water sanitation at waste water treatment and management, at iba pang mga programa at proyekto para sa usapin ng tubig.

Ang panukala ay kasama sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at State of the Nation Address (SONA) priority measure ng Marcos Jr. admnistration. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us