PAGCOR, nagpatupad na ng mga paghihigpit sa registration ng mga POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas mahigpit na regulasyon sa operasyon at pinaigting na monitoring kasama ang law enforcement agencies ang nakikitang solusyon ng PAGCOR para matigil ang iligal na operasyon at social ills na dala ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.

Ito ang sinabi ni Atty. Renfred Tan, Senior Manager ng Policy Development and Regulatory Division, Offshore Gaming Licensing Deparment ng PAGCOR sa pagtalakay ng resolusyon sa Kamara na nananawagan para tuluyang ipagbawal ang POGO sa Pilipinas dahil na rin sa mga nagsulputang krimen kaugnay nito.

Sa ngayon aniya nagpatupad na sila ng reporma sa registration gaya ng pagtataas sa authorized capital stock at paid up capital sa ₱100-million at ₱25-million mula sa dating ₱15-million at ₱3-million pesos.

Naging site specific na rin aniya ang operasyon ng POGO, ibig sabihin nakalagay sa lisensya eksaktong lokasyon ng POGO site kabilang ang unit o floor number at building. Ano mang operasyon sa labas nito ay iligal na.

Nagsasagawa na rin aniya sila ng probity check o background check sa POGO operator bago pa bigyan ng lisensya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us